Connect with us

DOH at DTI, nagtakda ng purchase limit para sa paracetamol at iba pang gamot

DOH at DTI, nagtakda ng purchase limit para sa paracetamol at iba pang gamot

National News

DOH at DTI, nagtakda ng purchase limit para sa paracetamol at iba pang gamot

Nilimitahan na ng Department of Trade and Industy (DTI) ang dami na maaaring bilhin na paracetamol at iba pang gamot sa mga botika.

Ito ay upang maiwasan ang kakulangan ng supply at pagtaas ng presyo ng mga over-the-counter medicines sa gitna ng pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.

Batay sa Joint Memorandum Circular no. 22-01 ng DTI at Department of Health (DOH), inatasan ang mga retailer na limitahan ang pagbebenta sa mga gamot na paracetamol at carbocisteine.

Ang paracetamol na 500mg tablet ay nilimitahan na sa 20 piraso kada indibidwal o 60 piraso kada household o pamilya habang ang paracetamol suspension ay nilimitahan sa 5 bawat indibidwal at 10 sa bawat pamilya.

Nagpaalala naman ang DTI na mahigpit na ipinagbabawal ang online selling ng mga gamot maliban na lamang kung pinapayagan ito ng Food and Drug Administration (FDA) sa ilalim ng kasalukuyang rules and regulations.

 

More in National News

Latest News

To Top