Connect with us

DOH, hindi suportado ang marijuana cultivation at paggawa ng cannabis products sa bansa

DOH, hindi suportado ang marijuana cultivation at paggawa ng cannabis products sa bansa

National News

DOH, hindi suportado ang marijuana cultivation at paggawa ng cannabis products sa bansa

Hindi suportado ng Department of Health (DOH) ang marijuana cultivation o ang paggawa ng cannabis products sa bansa.

Sa pahayag, sinabi ng DOH na kinikilala nila ang pagsisikap na makilala ang cannabis bilang gamot ngunit kailangan na nakabatay ito sa siyensya at ano ang health impact nito sa publiko.

Noong February 7, 2024 ay nagkaisa ang House committee on dangerous drugs at health na aprubahan ang paggamit ng cannabis at marijuana bilang gamot.

Sinabi ng mga mambabatas na nag-apruba sa panukala na bagamat gagamitin ang pharmaceutical form nito bilang gamot ay mananatili parin itong illegal drug batay sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Ang kinakailangang dosage lang din ng cannabis para sa partikular na sakit ang ibibigay ng isang doktor.

Sinumang lalabag dito anila sakaling maging ganap na batas ay makukulong ng 6 na buwan subalit hindi lalagpas ng 6 na taon.

Pagmumultahin rin ng P500-K – P1-M.

More in National News

Latest News

To Top