Connect with us

DOH, iginiit na bumuti ang pandemic response ng bansa

Higit 65.17 milyong indibidwal, fully vaccinated na kontra COVID-19 – DOH

National News

DOH, iginiit na bumuti ang pandemic response ng bansa

Bumuti na ang COVID-19 response ng Pilipinas maging ang vaccination drive nito.

Ito ang iginiit ng Department of Health kasunod ng pagbaba ng bansa sa huling pwesto sa covid resilience ranking ng bloomberg nasa pinakahuli mula sa lahat ng 53 bansa.

Sa kabila ng naturang ulat, iginiit ng Department Of Health Usec. Maria Rosario Vergeire na nag-improve na ang COVID-19 response ng pamahalaan.

Ani ni Usec. Maria Rosario Vergeire ng Department of Health, “Sa ngayon kapag tingnan natin, nakapag-improve naman na tayo. We can see that our vaccination coverage has tremendously improved from the time we started.”

Binigyang diin pa ni vergeire na hindi lang ang bansa ang nakakaranas ng mga pagbabagong bilang ng COVID-19 cases.

“All countries in the world are experiencing this cycle kung san tataas, bababa ang cases. These are all being experienced [in other countries] and we are trying to learn day by day because the situation is really evolving.”

Nangunguna naman sa ranking ang European Countries – ang Ireland na may resilience score na 79.4, Spain may 78.2, ang Netherlands na may 76.4 score, Finland na may 76.1 resilience score at Denmark na may 75.3.

Gayunpaman, ani Vergeire, bukas ang bansa sa mga pagsusuri o analysis ang pamahalaan dahil nakakatulong itong magbigay direksyon sa kanila kung paano tugunan ang pandemya.

More in National News

Latest News

To Top