National News
DOH, inilabas na ang listahan ng mga ospital kung saan naka-admit ang 4 na panibagong pasyente ng COVID-19
Inilabas na ng Department of Health (DOH) ang mga ospital kung saan naka-admit ang 4 na panibagong pasyente ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ang nasabing Pilipino na may edad na 38 taong gulang ay naka-admit ngayon sa St. Lukes Medical Center sa Taguig.
Ang Amerikano na may edad na 86 na taong gulang ay nasa Medical City sa Ortigas.
Ang 38 years naman na Taiwanese ay nasa Medical Center ngayon sa Makati City habang ang 57 taong gulang naman na Pilipino ay kasalukuyang naka-admit sa St. Lukes sa Quezon City.
Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang monitoring sa naturang mga pasyente.
