Connect with us

DOH, kinumpirma ang pagkakadetect ng Omicron Subvariant BQ.1 sa Pilipinas

Kinumpirma ni Department of Health OIC Maria Rosario Vergeire na naitala na ang ilang kaso ng COVID-19 Omicron Subvariant BQ.1 sa bansa.

National News

DOH, kinumpirma ang pagkakadetect ng Omicron Subvariant BQ.1 sa Pilipinas

Kinumpirma ni Department of Health (DOH) Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire na naitala na ang ilang kaso ng COVID-19 Omicron Subvariant BQ.1 sa bansa.

Sa press briefing, sinabi ni Vergeire na ang BQ.1 ay mas nakakahawa at “highly immune evasive” kumpara sa ibang Omicron Subvariants.

Sa 6,070 samples na sumailalim sa sequencing, 14 dito ay BQ.1 cases kung saan 13 ay local cases mula Cordillera, Region 1, Region 4A, Region 7 at National Capital Region (NCR).

Sinabi naman ni Vergeire na patuloy na nagbibigay proteksyon dito ang minimum health standards at vaccination.

 

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top