Connect with us

DOH, kinumpirma ang unang kaso ng novel coronavirus sa bansa

Mayroon nang kumpirmadong kaso ng 2019 novel coronavirus (2019-nCoV) sa bansa.

Breaking News

DOH, kinumpirma ang unang kaso ng novel coronavirus sa bansa

Mayroon nang kumpirmadong kaso ng 2019 novel coronavirus (2019-nCoV) sa bansa.

Sa press conference ngayong hapon, inihayag ni Health Sec. Francisco Duque III na isang 38 anyos na Chinese mula Wuhan, China, kung saan nagmumula ang naturang bagong coronavirus, ang kumpirmadong infected sa virus kasunod ng isinagawang laboratory test sa Australia.

“Today the DOH is confirming that a Chinese female student is positive for novel coronavirus 2019 after her lab results arrived from Victorian infectious disease in Melbourne, Australia,” pahayag ni Health Sec. Duque.

Dagdag pa ng kalihim, ang babaeng pasyente ay dumating sa Manila mula Hong Kong noong Enero 21. Enero 25 nang ito ay magpagamot dahil sa iniindang ubo.

Sa kasalukuyan ay nasa isolation room ng San Lazaro Hospital at nagpapagaling na ayon kay DOH Usec. Eric Domingo ang naturang babaeng Chinese.

Sa datos ng DOH, nasa 29 na indibidwal ang under investigation o minomonitor ng health authorities dahil sa sintomas ng naturang virus kung saan 23 rito ay naadmit sa ospital.

DOH 2019-nCov Monitoring

DOH 2019-nCov Monitoring

“I assure the public that the DOH is on top of this evolving situation. We were able to detect the first confirmed case because of our strong surveillance system, close coordination with the World Health Organization and other national agencies,” dagdag ni Duque.

Batay sa pinakahuling report, umabot na sa 170 indibidwal sa China ang namatay dahil sa nCov kung saan ay nasa mahigit 7,000 indibiwal naman ang infected.

Samantala, inilunsad naman ng DOH ang isang website page na inilaan para sa mga dapat malaman kaugnay sa 2019-nCov.

Sa kanilang official website, nagdagdag ng isang pahina ang DOH kung saan mababasa ang updates at developments kaugnay sa naturang virus na kumalat na sa mahigit 16 na mga bansa.

Maaari itong mabisita sa https://www.doh.gov.ph/2019-nCoV kung saan mababasa rin dito ang mga paano maiwasan na ma-infected nito.

DOH 2019-nCov website https://www.doh.gov.ph/2019-nCoV

DOH 2019-nCov website
https://www.doh.gov.ph/2019-nCoV

Payo naman ng DOH sa publiko umiwas muna sa mga matataong lugar, at panatilihing malinis ang katawan at laging maghugas ng kamay.

More in Breaking News

Latest News

To Top