National News
DOH, maghahanda na sa posibilidad na magkaroon ng Code Red Sub-Level 2’ sa Pilipinas
Sanhi ng pagtaas ng bilang ng mga apektado ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa, paghahandaan ng Department of Health (DOH) ang posibilidad na pagtaas sa Code Red Alert Status sa sub-level 2.
Sa ngayon, nakataas na ang “Code Red, Sub-Level 1” sa bansa kasabay ng pagkumpirma ang unang kaso ng local transmission.
Kaugnay nito, inihahanda na rin ng DOH ang mga health workers at mga ospital sa bansa kung saka-sakaling dumami pa ang bilang ng mga tatamaan ng nakamamatay na COVID-19.
Sa ngayon, nasa 10 katao na ang apektado ng naturang virus sa bansa.
Kaugnay nito, pormal na ring nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order sa pagdedeklara ng State of Public Health Emergency sa bansa bunsod ng coronavirus disease.