Connect with us

DOH, nagbabala sa posibleng pagtaas ng kaso ng dengue

Section

DOH, nagbabala sa posibleng pagtaas ng kaso ng dengue

Nagbabala ang Department Of Health (DOH) sa publiko sa posibleng pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa.

Ayon kay DOH Undersecretary Eric Domingo, nakapagtala na ang kagawaran ng 40,000 na kaso ng dengue simula pa Enero nitong taon.

Inilabas ng DOH official ang babala bunsod na rin ng patuloy na pag-imbak ng tubig ng publiko lalo na ang mga apektado ng water shortage sa Metro Manila.

Payo ni Domingo, tiyaking hindi pagpupugaran ng lamok at takpan ang mga imbakan ng tubig.

Unang nagpaalala si Health Secretary Francisco Duque III sa publiko na takpan ang mga pinag-iimbakan ng tubig sa gitna ng water shortage

More in Section

Latest News

To Top