National News
DOH, nagbigay ng listahan sa Bureau of Quarantine ng mga bansa na may mataas na kaso ng COVID-19
Ibinigay na ng Department of Health (DOH) ang listahan ng mga bansa sa iba’t-ibang panig ng mundo na may mataas na kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Bureau of Quarantine.
Ito ay upang malaman ng quarantine bureau kung sinu-sinong mga pasahero ang unang dapat isailalim sa quarantine.
Batay sa nasabing listahan, kabilang sa mga bansang may mataas ng kaso ng naturang virus ang South Korea, Singapore, Australia, China, Malaysia, Japan, Spain, Italy, France, United Kingdom, Sweden, Belgium, Germany at United States of America.
Sa ilalim naman ng memorandum ng DOH, inatasan nito ang Bureau of Quarantine na magbigay ng lingguhang update hinggil sa nasabing isyu.
Sa ngayon na ipinatutupad ang community quarantine sa Metro Manila.