Connect with us

DOH, nagpadala ng medical supplies para sa mga apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal

National News

DOH, nagpadala ng medical supplies para sa mga apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal

Nagpadala na ang Department of health (DOH) ng medical supplies at iba pang gamit sa CALABARZON at National Capital Region (NCR) para tumulong sa mga residente na apektado ng aktibidad ng Taal Volcano.

Sa isang pahayag, sinabi ng DOH na dinagdagan pa nila ang kanilang resources bilang tugon sa pagsabog ng bulkan.

Ayon kay DOH Sec. Francisco Duque III, kabilang sa kanilang ipinadalang mga gamot ay eye drops at asthma medication at mga gaya ng N95 at surgical face masks, collapsible water containers at jerry cans, water purification tablets at hygiene kits.

Abala ang mga kawani ng DOH 4A sa paghahanda sa mga medical supply para sa mga apektado ng pagsabog ng Taal Volcano. | kuha ni William Valencia

Naka-code white alert naman ang DOH Central Office, ibig sabihin lahat ng tauhan nito ay naka-standby para sa deployment para manatili ang koordinasyon sa mga concerned agency.

Nagdeploy na rin aniya ang DOH ng kanilang mga tauhan sa 139 evacuation centers at ipagpapatuloy ang pagsagawa ng rapid health assessment sa iba’t ibang apektadong munisipalidad sa rehiyon.

Habang, naka-code blue alert naman ang DOH Region 4A kabilang ang lahat ng mga hospital nito, ibig sabihin kalahati sa mga tauhan nito ay kailangan magreport sa kanilang duty.

Pinagana na rin aniya ang health response cluster nito para magsagawa ng disease surveillance at kumuha ng n95 masks at mga gamot para sa respiratory ailments.

More in National News

Latest News

To Top