National News
DOH, nagtalaga na ng contact tracing teams sanhi ng pagtaas na bilang ng COVID-19 sa bansa
Nagtalaga na ng karagdagang grupo ang Department of Health (DOH) na magsasagawa ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng 4 na bagong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Magugunita kahapon, kinumpirma ng DOH na umabot na sa 10 ang bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa bansa.
Kabilang sa panibagong kaso ang isang Taiwanese na may edad na 38 taong gulang na may travel history sa Pilipinas, isang lalaki na may edad na 32 taong gulang na may travel history sa Japan, isang Amerikano na may edad 86 na taong gulang; at may travel history sa Amerika at South Korea at isang Pilipino na may edad na 57 gulang na walang travel history sa mga bansang apektado ng COVID-19.
Sa ngayon, makataas na ang code red sub-level 1 matapos makumpirma ang local transmission ng COVID-19 sa bansa.
