Connect with us

DOH, nagtalaga ng ekslusibong ospital na hahawak sa mga pasyente ng COVID-19

DOH, tiniyak na sapat ang COVID-19 test kits sa susunod na 3 buwan

COVID-19 UPDATES

DOH, nagtalaga ng ekslusibong ospital na hahawak sa mga pasyente ng COVID-19

Nagtalaga na ang Department of Health (DOH) ng mga ospital na ekslusibong hahawak sa mga pasyente ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, itinalaga bilang medical facilities ng mga COVID-19 patient ang Lung Center of the Philippines sa Quezon City at Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital sa Caloocan City.

Sinabi rin ni Vergeire sa pulong balitaan ng laging handa, maging ang UP Philippine General Hospital ay hahawak na rin ng mga COVID-19 patient.

Samantala, tiniyak ni Usec. Vergeire na nasa stable na kondisyon si Health Sec. Francisco Duque III na naka-home quarantine ngayon.

Dagdag pa ng opisyal na ginawa ang home quarantine at pagsuri para sa COVID-19 sa kalihim para masigurado na wala itong sakit.

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top