National News
DOH, nakapagtala na ng 450 na kaso ng measles at rubella
Nakapagtala na ang Department of Health (DOH) ng 450 na kaso ng measles at rubella sa buong bansa.
Ito ay mula noong January 1 hanggang Sept. 17, 2022.
Ito ay 153% na mas mataas kung ikukumpara sa 178 cases na naitala noong nakaraang taon sa magkatulad na mga buwan.
Karamihan sa mga kaso ay nagmula sa Region IV-A, Region VII at NCR.
Ayon sa DOH, 5 sa 17 rehiyon ang lumagpas na sa lebel nang epidemic threshold ng measles.