Connect with us

DOH, nakapagtala nang mahigit 200 malubha sa COVID-19

DOH, nakapagtala nang mahigit 200 malubha sa COVID-19

National News

DOH, nakapagtala nang mahigit 200 malubha sa COVID-19

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) noong ika-27 ng Agosto 2023, nang 240 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa mga ospital dahil sa COVID-19.

Sa mga bagong kaso naman, 13 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman.

Samantala, mayroon namang naitalang 6 na pumanaw na naganap noong Agosto 14 – 27.

Mula Agosto 21 – 27, 801 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa.

Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 114 na mas mataas ng 2% kung ikukumpara sa mga kaso noong Agosto 14 – 20.

More in National News

Latest News

To Top