National News
DOH, nakapagtala ng 100% case fatality rate sa rabies
Nakapagtala ng 100% fatality rate sa rabies ang Department of Health (DOH).
Ito ay matapos lumabas sa datos na ang 89 na kaso nito mula January 01 – March 16, 2024 ay nauwi sa kamatayan.
Sa naturang kaso ng human rabies, ang region 12 ang nakapagtala ng pinakamaraming kaso na nasa 12.
Sinundan ito ng Region 4A at Region 5 na may 11 kaso nito.
92% sa mga naireport na kaso ay may history ng dog bite, 5% ay may history naman ng kagat ng pusa habang ang natitirang 2% mula sa iba pang hayop.
Batay naman sa report, 45% sa mga kaso ay galing sa hayop na hindi nabakunahan habang 54% ang galing sa mga hayop na hindi alam ang vaccination status nito.
