COVID-19 UPDATES
DOH, nakapagtala ng 15 na panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa
Nakapagtala ng 15 na panibagong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang Department of Health (DOH).
Dahil dito, tumaas pa sa 202 ang bilang sa nagpositibo na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Nasa 17 naman na ang bilang ng nasawi matapos pumanaw ang 3 biktima kahapon.
Inanunsyo naman ng DOH na nakarekober sina patient 15, patient 26 at patient 13.
Sa ngayon, nasa 7 na ang nakarekober sa COVID-19 sa bansa.
