National News
DOH, nakapagtala ng mahigit 100 bagong leptospirosis cases
Nakapagtala ng 123 na bagong kaso ng leptospirosis ang Department of Health (DOH) sa buong bansa mula Agosto 18-31, 2024.
Sa datos, 48 cases dito ay nagmula sa National Capital Region (NCR).
Sa buong bansa, mula sa naturang kaso, dalawa sa pitong nasawi ay mula sa NCR.
Ayon sa ahensya, ang incubation period ng leptospirosis ay maaaring mula 2 hanggang 30 araw.
Karaniwang lumalabas ang sintomas ng sakit, isa hanggang dalawang linggo pagkatapos ng exposure sa baha.
Nananatili namang alerto ang DOH dahil sa posibilidad na tataas pa ang leptospirosis cases dulot ng mga nagdaang masamang panahon.
