National News
DOH, nilinaw na hindi gamot sa dengue ang siling labuyo
Hindi gamot sa dengue ang siling labuyo.
Yan ang naging paglilinaw ng Department of Health (DOH) sa gitna ng mga kumakalat na post na maaring ipanggamot sa dengue ang birds eye chili o sili labuyo.
Ayon sa DOH, wala pang special treatment para sa dengue at ang tanging paraan para makaiwas sa sakit ay umiwas sa din sa kagat ng lamok.
Ipinayo din ng DOH ang pagsusuot ng damit na may mahahabang manggas at pagsuot ng pantalon upang hindi basta makagat ng lamok.
Maari ding gumamit ng mosquito repellent lotions at sprays upang layuan ng lamok.
Inihayag ng DOH na importante din ang paglilinis sa mga mosquito-breeding sites at ang pagkakaroon ng fogging activities sa mga lugar na may outbreak ng sakit.
Pinapayuhan naman ang publiko na agad na magpasuri kung nakararanas ng sintomas ng sakit mula sa dengue tulad ng headache, pananakit ng mga kasu-kasuan, pagsusuka, o pagkakaroon ng rashes.
