National News
DOH, nilinaw na walang death case kaugnay sa monkeypox sa bansa
Walang naiulat na death case sa bansa hinggil sa monkeypox.
Sa katunayan, sa datos mula sa DOH-Research Institute for Tropical Medicine (DOH-RITM) hanggang June 8, negatibo ang resulta ng lahat na sumailalim sa isang monkeypox test.
Kaugnay naman ang kumpirmasyon ayon kay Department of Health Spokesperson Albert Domingo sa umanoy iniimbestigahan ng DOH-Central Visayas ang pagkamatay ng 1 lalaki sa Negros Oriental.
Hinala dito ay namatay dahil sa monkeypox.
Dahil dito, sinabi ni Domingo na mas mainam na iwasang gumamit ng mga hindi beripikadong impormasyon.
Ang monkeypox ay isang infectious disease kung saan ang sintomas ay pagkakaroon ng masasakit na rashes, lagnat, at namamagang lymph nodes.
Sumasakit rin ang ulo, kalamnan, at likod maging ang pagkakaroon ng fatigue.
Nagtatagal ang rashes ng hanggang 2 – 4 na Linggo.
