National News
DOH, palalawakin ang contact tracing para maiwasan ang community transmission
Tiniyak ng Department of Health (DOH) na mayroon na silang nakalatag na plano para mapalakas pa lalo ang kanilang ginagawang mga hakbang laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, mas palalawakin pa ng kagawaran ang isinasagawang contact tracing.
Ito ay matapos makumpirma ng DOH ang ika-amin na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Nabatid na ang ika-anim na kaso ay asawa ng pasyente na nauna nang nakumpirmang nagpositibo sa COVID-19 na walang travel history sa mga nakalipas na buwan.
Ayon kay Duque, ang ika-limang kaso ng COVID-19 ang siyang pinaka-unang kaso ng local transmission sa Pilipinas.