COVID-19 UPDATES
DOH, pinag-aaralan na ang travel ban sa Malaysia at Thailand dahil sa Delta Variant
Pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) ang posibleng travel ban sa Malaysia at Thailand dahil sa banta ng mas nakakahawang Delta Variant.
Ito ang inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III sa laging handa public briefing.
Tiniyak ni Duque sa publiko na binabantayan ng DOH Epidemiology Bureau ang COVID-19 outbreak sa ibang mga bansa.
Una nang sinama ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Indonesia sa listahan ng mga bansa na sakop ng pansamantalang travel ban.
Ang ban sa mga biyahero mula Indonesia, India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, at Oman ay magiging epektibo hanggang sa Hulyo A-31.