National News
DOH, pinaghahandaan ang pagtaas ng bilang ng kaso ng dengue
Pinaghahandaan na ng mga health official ang pagtaas pa ng bilang dengue cases ngayong taon.
Ito ay matapos pumalo sa mahigit 180 ang nasawi dahil sa naturang sakit, nito lamang unang bahagi ng 2019.
Sa ulat ng Department of Health (DOH), mayroon 48,634 na kaso ng dengue na nagresulta ng pagkasawi ng 184 na katao.
Mas mataas aniya ito sa naitala noong nakaraang taon na may 23,328 na kaso na may 150 na nasawi.
Sinabi ng DOH na pinakamaraming kaso ngayong taon ang Region 7 na may 5,421, sumunod ang Metro Manila na may 4,855 na kaso at CALABARZON na may 4,851 na kaso.
Nakapagtala rin ang Caraga Region ng 4,570 na kaso ng sakit ngayong taon habang sa Region 3 ay 4,009 na kaso.
Sinabi ni Health Undersecretary Enrique Domingo na inaasahan nila na magiging big dengue year ang 2019.