Connect with us

DOH Sec. Duque, kinukumpirma na kung dahil sa COVID-19 ang ikinamatay ng pasyenteng Amerikano

Health Sec. Francisco Duque III, negatibo sa COVID-19

National News

DOH Sec. Duque, kinukumpirma na kung dahil sa COVID-19 ang ikinamatay ng pasyenteng Amerikano

Nangangalap na ngayon ng impormasyon si Health Secretary Francisco Duque III kung kumpirmadong dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang pagkasawi ng isang pasyente.

Ayon kay Duque, kanya nang ipinag-utos ang pagkuha ng datos sa naturang balita kabilang na kung mayroon ba itong ibang sakit.

Aniya, batay sa pag-aaral, malaking porsyento ng nasasawi o nasawi sa naturang sakit ay may medical condition gaya ng highblood, diabetes at cancer.

Partikular naman na tinutukoy sa balitang nasawi sa COVID-19 ay ang Amerikano na naka-confine sa isang pribadong ospital sa Ortigas.

Sakali namang ito’y makumpirm, ito ang magiging ikalawang casualty ng COVID-19 sa Pilipinas.

Samantala, Metro Manila Mayors tiniyak ang pagtutulungan para malabanan ang pagkalat ng COVID-19

Tiniyak ng lahat ng Metro Manila Mayors na magtulungan para malabanan ang pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Quezon City Joy Belmonte, matapos ang isinagawang pulong kasama si Pangulong Rodrigo Duterte kahapon ay nagdesisyon ang Metro Manila Mayors na magkaisa at magtulungan sa pagsasagawa ng contact tracing.

Quezon City Mayor Joy Belmonte

Ani Belmonte, nakatakdang magpulong ngayong umaga ang mga alkalde sa MMDA office para pag-usapan ang guidelines na ipatutupad para sa kanilang hakbang laban sa COVID-19.

Sinabi rin ni Belmonte na mahigpit na ipinag-utos ng pangulo sa lahat ng alkalde na tiyakin na ginagawa ng mga mag-aaral ang kanilang school work sa bahay.

Mahigpit rin na ipinagbabawal sa mga mall ang pagpapapasok ng mga estudyante at pagtulong ng PNP para matiyak na maibabalik ang mga ito sa kanilang bahay.

Kahapon nang sinuspinde ni Pang. Rodrigo Duterte ang klase sa National Capital Region (NCR) hanggang Marso 14 dahil sa banta ng COVID-19.

Sa kasalukuyan, 24 na ang kumpirmadong kaso nito sa bansa.

More in National News

Latest News

To Top