COVID-19 UPDATES
DOH, tiniyak na sapat ang COVID-19 test kits sa susunod na 3 buwan
Tiniyak ng Department of Health (DOH) na magkakaroon ng sapat na Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) test kits sa loob ng susunod na 3 buwan.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, dahil sa pondo mula sa Bayanihan To Heal As One Act, posibleng magkaroon ng sapat na testing kits para sa susunod na tatlong buwan.
Target ng ahensya na magsagawa ng 3,000 COVID-19 test simula sa April 14 at tataas ito hanggang 8,000 – 10,000 huling bahagi ng buwan ng Abril.
Nabanggit din ni Secretary Carlito Galvez, na mag-uumpisa ang COVID-19 testing ngayong April 14.
Binigyang diin ni Health Usec. Vergeire, na ang mga may malubhang sintomas, mga na-exposed sa COVID-19 patients gaya ng mga health workers at iba ang uunahin sa isasagawang mass testing.