Connect with us

DOH, walang rekomendasyon sa mandatoryong pagsusuot muli ng face masks

Pagsusuot ng face masks sa indoor areas, hindi hadlang sa pagbubukas ng turismo – PHAPI

National News

DOH, walang rekomendasyon sa mandatoryong pagsusuot muli ng face masks

Nilinaw ng Department of Health na wala pang rekomendasyon hinggil sa pagpapatupad muli ng mandatoryong pagsusuot ng face mask sa gitna ng nakikitang pagtaas ng covid cases sa bansa.

Kasunod ito sa ibinahagi ng Octa Research Group kamakailan na tumaas ang positivity rate ng Metro Manila batay sa kanilang monitor hanggang nitong April 8.

Matatandaan na sa huling bahagi ng taong 2022 ay pinirmahan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang Executive Order No. 7 kung saan hindi na mandatoryo ang pagsusuot ng face mask.

Nananatili nalang mandatoryo ang pagsusuot nito sa health facilities at sa loob ng mga pampublikong transportasyon.

More in National News

Latest News

To Top