National News
DOJ, iginiit na hindi tatalima sa kautusan ng ICC; pagkomento sa EJK, hindi gagawin ng bansa
Nanindigan si Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi tatalima ang Pilipinas sa kautusan ng International Criminal Court (ICC).
Matatandaan na binigyan ng ICC ang Pilipinas hanggang sa susunod na buwan, Sept. 8, para magkomento sa isyu ng paglabag sa human rights dahil sa extra judicial killing.
Ayon kay Remulla, ang isusumiteng pahayag ng bansa ay paglilinaw sa ICC na hindi na tayo sakop ng Roman Statute at hindi bilang pagsunod o pagtalima sa mga ito.
Giit rin ni Remulla, hindi rin maaaring ipilit ng ICC ang pagimbestiga rito at hindi rin aniya maaari nilang papanagutin ang bansa sakaling aayaw ito sa kanilang imbestigasyon.
Ayon kay Remulla, gumagana ang Rule of Law sa Pilipinas at para sa isyu ng , handa aniya ang DOJ na tumanggap ng testigo para dito.
Sinabi rin ng kalihim na ilalapit nila ang serbisyo sa mga tao sa pamamagitan ng pagggawa ng mga special lines na maaaring tawagan ng mga tao para sa isyu ng EJK.