National News
DOJ, SolGen, salungat sa polisiya ng bansa vs ICC- Sen. Bato
Salungat ang pahayag ng Department of Justice at Office of the Solicitor General sa polisiya ng bansa hinggil sa ugnayan ng Pilipinas at International Criminal Court (ICC).
Ayon ito kay Sen. Bato dela Rosa kasunod sa pahayag ni DOJ Sec. Boying Remulla noong Agosto 1 na hindi haharangan ng DOJ ang International Criminal Police Organization (INTERPOL) sakaling aarestuhin nito ang limang kinikilalang suspek ng ICC kaugnay sa drug war ng Duterte admin.
Nauna na ring sinasabi ni SolGen Menardo Guevarra na hindi nila haharangan ang ICC prosecutor na bumisita sa bansa at mag-imbestiga sa drug war.
Ang mga pinangalanang suspek ay sina Sen. Bato kasama ang dating mga opisyal ng Philippine National Police gaya nina Oscar Albayalde, Edilberto Leonardo, Eleazar Mata at dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief at kasalukuyang North Luzon Commander Major General Romeo Caramat Jr.
Samantala, para kay Sen. Bato, malinaw naman na wala nang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas dahil hindi na ito myembro simula pa taong 2019.