National News
DOJ, tiwala na mapapauwi sa bansa si Ex-Cong. Teves
Nilinaw ng Department of Justice (DOJ) na kinatigan ng Timor Leste Court ang extradition o pagpapauwi kay dating Cong. Arnie Teves sa Pilipinas.
Ito ay matapos sabihin ng kampo ni Teves na ipinawalang-bisa ng korte ang extradition laban sa dating kongresista.
Sa isang pahayag ayon sa DOJ, base sa merito ay nagdesisyon na ang Timor Leste Court na dapat i-extradite si Teves.
Subalit ang kampo daw nito, matapos hindi pumabor sa kanila ang hatol ng Court of Appeals ay nagkaroon ng procedural objections sa pamamagitan ng pagkuwestiyon sa bilang ng hukom na kasama sa extradition proceedings.
Ayon sa DOJ, “Mr. Teves’ legal team is now attempting to contest this ruling on procedural grounds, specifically questioning the number of judges involved in the decision.
This is a clear afterthought, raised only after the proceedings had concluded unfavorably for him.
In Philippine law, such a move would be barred under the principle of estoppel, which prevents a party from challenging procedural issues if they actively participated in the process and failed to raise objections earlier.”
Kaugnay nito, sinabi ng DOJ na mayroong panibagong pagdinig sa extradition ni Teves pero sakabila nito ay tiwala ang ahensya na gaya nang naunang desisyon ay kakatigan sila ng Court of Appeals dahil may sapat na merito o dahilan para mapauwi si Teves at mapaharap sa mga kaso nito kasama na ang pagkasawi ni Negros Oriental Governor Roel Degamo.
“We are confident that the outcome of the new proceedings will be the same as the previous decision. The legal merits are clear, and we expect that Mr. Teves will face justice in the Philippines soon, given the strong evidence against him in connection with multiple serious charges, including the murder of Negros Oriental Governor Roel Degamo,” pahayag ng DOJ.
Samantala, ang mga pahayag ng DOJ ay sinupalpal naman ng kampo ni Teves.
Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, hindi maitatago ng DOJ ang katotohanan na ipinawalang-bisa ng korte ang extradition ng kaniyang kliyente at hindi fake news ang pagbasura ng korte sa extraditon request ng gobyerno. “No amount of underhanded semantics and spin can hide the fact that the Timor Leste (TL) court NULLIFIED the previous decision to allow the extradition of Rep. Arnolfo Teves, and that it was UNTRUE for the Department of Justice (DOJ) to say that the milk nullification thereof was fake news.”
Sinupalpal din nito ang ginawang pagpuna ng DOJ sa remedyo na ginawa ng mga abogado ni Teves para sa extradtion case gayong kinikilala naman ito ng tamang mga judicial authority ng Timor Leste.
Saad ni Topacio, ang pahayag ng DOJ ay hindi katanggap-tanggap dahil ito ay pag-atake sa sistemang hudikatura ng TL.
Hirit pa nito na dapat itigil na ng DOJ ang pagbibigay ng mga palusot sa kanilang pagkatalo at iwasan ang pagiging source ng mga maling pahayag.