Connect with us

Dokumentong nagpapatunay na gumagamit si PBBM ng iligal na droga, muling pinasinungalingan ng PDEA

Dokumentong nagpapatunay na gumagamit si PBBM ng iligal na droga, muling pinasinungalingan ng PDEA

National News

Dokumentong nagpapatunay na gumagamit si PBBM ng iligal na droga, muling pinasinungalingan ng PDEA

Viral ngayon sa social media ang inilabas ng political vlogger na si Maharlika na larawan ng umanoy ebidensiya na nagpapatunay sa lehitimong operasyon noon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laban kay Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

May be an image of ticket stub and text that says 'PDEA CONFIDENTIAL Republic Office PHILIPPINE P the ENFORCEMENT AGENCY ΝΙΑ Northside Road, NGC., Pinyahan, MEMORANDUM FOR Director, FROM SUBJECT Investigation Division DATE :REPORTED NEFARIOUS ACTIVITIES BONGBONG MARCOS BONGET. March 10, 2012 This has reference reported nefarious activities Rizal Tower Building, Rockwell Brgy. Poblacion, Makati City, BONGBONG MARCOS Bonget with unknown address. confidential Informant personally named showbiz office reported political female companions together some unidentified wer llegedly seen inhaling white powdery substance suspected drugs inside above-cited ondominium 3. Recommend approval the attached re-Operation Report/Authority conduct Operate surveillance the veracity apprehension, warranted. for their possible Request approval para 3. InvestgationAgent CONFIDENTIAL'

Nakasaad sa inilabas na ebidensya ni Maharlika na noong March 10, 2012, ay nagkaroon ng operasyon ang PDEA sa Unit 46-C, Rizal Tower Building Rockwell, Barangay Población Makati City. Ang target, si Bongbong Marcos Jr. alyas Bonget.

Ang nabanggit na unit din ay pinaniniwalaang tahanan ng isang sikat na babaeng artista.

Nakasulat rin dito na kaya nagkaroon ng operasyon ang PDEA ay dahil mayroong sumisinghot ng iligal na droga sa nasabing lugar.

Ang expose na ito ni Maharlika ay umani ng samut-saring reaksyon mula sa mga Pilipino at ilang araw nang naging usapan-usapan.

Agad naman itong sinagot ng PDEA sa kanilang social media post at sinabing AI generated o gawa-gawa lang ang larawang inilabas ni Maharlika at sinabing sa modernong panahon ngayon ay madali nalang makagawa ng pekeng pictures o videos at pekeng dokumento.

Pero sa panayam ng DZAR Sonshine Radio kay Maharlika, sinabi nito na para hindi mapahamak ay sinuri niya muna ng mabuti ang nasabing ebidensya bago niya ito isinapubliko.

“So itong tungkol sa PDEA so nung sinend sa akin binerify ko pa po ‘yan sa dami kong puting ahas binerify ko ‘yan kasi baka masunog ako baka ang nilabas natin gawa-gawa lang pala.”

“Kaya bago ko po nilalabas ‘yung mga dokumentong ito I know for a fact na ito ay hindi AI generated ito ay totoong may dokumento,” ayon kay Political Vlogger, Maharlika.

Araw ng Martes, April 9, iginiit na muli ng PDEA na fake news ang kumakalat ngayon sa social media na naging operation diumano ng ahensiya noong March 2012.

Sa panayam ng SMNI News kay Derrick Carreon tagapagsalita ng PDEA, sinabi nito na mayroong mga importanteng detalye na wala doon sa dokumentong inilabas ni Maharlika.

“We have already in fact specified na indeed this documents are spurious in light po ‘yung mga na sight pa natin na mga reason particularly on the certificate ‘yung authority to operate versus ‘yung ano po ‘yung pre operation report na may certain important details po na wala doon as far as we are concern sir this documents are have been verified to be kumbaga not in our records in short they are fake,” ayon naman kay PDEA, Spokesperson, Derrick Carreon.

Wala rin aniyang control number ang dokumentong inilabas ni Maharlika kaya wala itong basehan.

“As far as our certification dated April 4 is concerned we have sided ‘yung basis po natin for declaring it ‘yung documents nga po na for one authority to operate and the pre-operation report do not any control numbers so in short this was never entered into national operations center.”

“’Yung item 6 and the authority to operate particularly ‘yung noted by eh wala intentionally covered so we cannot verify likewise ‘yung item 7 and 8 to authority to operate coordination made by and receive by ganon wala rin kumbaga hindi rin po natin maverify,” dagdag pa nito.

Ngunit sinabi ni Maharlika na sumulat na sa tanggapan ng PDEA ang agent na pumirma sa lehitimong operasyon at handa umano itong humarap sakaling ipatawag para maimbestigahan.

“Nagsalita na nga po itong sino agent na totoo na merong raid dapat kaso lang pinigil, pinigil ‘yung operation na ‘yun,” ani Maharlika.

More in National News

Latest News

To Top