Connect with us

DOLE, magbibigay ng pinansyal na tulong sa mga apektadong mga manggagawa dahil sa community quarantine

DOLE, magbibigay ng pinansyal na tulong sa mga apektadong mga manggagawa dahil sa community quarantine

Regional

DOLE, magbibigay ng pinansyal na tulong sa mga apektadong mga manggagawa dahil sa community quarantine

Magpapalabas na ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng P1.3-B tulong sa ilalim ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) adjustment measures program.

Ito ay upang maaayudahan ang nasa 250,000 na manggagawa na apektado ng ipinatutupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Bukod dito, maglalabas na din ng P180-M ang DOLE para sa emergency employment program sa ilalim naman ng tulong pangkabuhayan sa displaced/underprivileged workers.

Nasa 16,000 na manggagawang nasa informal sector naman ang mabebenipisyuhan nito.

Umapela rin si Labor Secretary Silvestre Bello III sa mga employer na tulungan ang kanilang mga empleyado sa ganitong panahon ng pangangailangan.

Hiningi rin ng kalihim sa mga manggagawa ang kooperasyon sa gobyerno at sa kanilang mga employer para pagtulungang labanan at pigilan ang pagkalat ng Coronavirus Disease sa bansa.

More in Regional

Latest News

To Top