National News
DOLE, sinigurado na magkakaron ng sahod ang mga regular employees na sasailalim sa 14-day quarantine
Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magkakaroon pa rin ng sahod ang mga regular employees na sasailalim sa 14-day quarantine kahit na nagamit na nito ang mga allowed leave.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, kailangan lamang ipakita sa tanggapan ang memorandum na nagsasaad na isinaiilalim ang mga ito sa 14-day quarantine ng kanilang employer.
Sa ngayon, magbibigay din umano ng mga emergency jobs, livelihood assistance at skills training programs ang DOLE sa mga taong nawalan ng trabaho sanhi ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) outbreak.
Ang mga taong makakapag-trabaho ng emergency jobs ay babayaran din ng minimum wage.
Matatandaang, hinimok ng DOLE ang mga employer na ikonsidera ang work from home para mabawasan ang tsansa na mahawaan ng COVID-19 ang mga empleyado.