Connect with us

Dolomite Beach sa Manila Bay, bukas na sa publiko

Dolomite Beach sa Manila Bay, bukas na sa publiko

Metro News

Dolomite Beach sa Manila Bay, bukas na sa publiko

Bukas na sa publiko ang sikat na Dolomite Beach sa Manila Bay.

Ang muling pagbubukas ng naturang beach ay isinabay sa pagdiriwang ng Independence Day noong linggo.

Muli namang nilinaw ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na para lamang ito sa mga bisita o turistang mamamasyal sa sikat na beach.

Una nang sinabi ni Manila Bay Coordinating Office Executive Director Jacob Meimban na mahigpit na ipinagbabawal ang paglangoy sa Manila Bay dahil hindi pa umabot sa ligtas na antas ang kalidad ng tubig sa baybayin.

Papayagan naman ng DENR ang pagpasok ng 1,500 hanggang 3,500 katao sa isang partikular na oras sa loob ng 500-metrong haba ng dolomite beach.

Ito’y upang matiyak ang mahigpit na pagsunod sa minimum health protocols.

Sa ngayon, hindi na kailangan ang online pre-registration sa mga bibisita sa Dolomite Beach batay na rin sa itinakda ng IATF para sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1.

Ngunit hinimok pa rin ng ahensya ang mga bisita na kumpletuhin muna ang pagbabakuna kontra COVID-19 bago mamasyal sa Dolomite Beach.

More in Metro News

Latest News

To Top