Connect with us

Dolomite beach, walang kinalaman sa pagbaha sa Taft Ave – MMDA   

Dolomite beach, walang kinalaman sa pagbaha sa Taft Ave – MMDA   

National News

Dolomite beach, walang kinalaman sa pagbaha sa Taft Ave – MMDA   

Pinasinungalingan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na Dolomite beach ang dahilan ng pagbaha sa Taft Avenue matapos umulan noong Biyernes.

Pagdidiin ni MMDA Acting General Manager Director Baltazar Melgar  na walang kinalaman ang ang Dolomite sa pagbaha.

Paliwanag ni Melgar na ang dahilan ng pagbaha ay ang hindi pa natatapos na pumping stations na ginagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa bawat main drainage system kabilang ang Padre Faura drainage main, Remedios drainage main at Estero de San Antonio Abad.

Dahil dito, hindi pa makapag-discharge ng tubig ang 3 main drainage systems sa Manila Bay.

Dagdag pa ni Melgar, may pag-uusap na ang MMDA at ang DPWH upang pansamantalang mabigyan ng solusyon ang pagbaha sa nasabing lugar habang tinatapos pa ang mga pumping station.

More in National News

Latest News

To Top