Regional
Dolores, Eastern Samar, muling niyanig ng Magnitude 4.4 na lindol
Muling niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang Dolores, Eastern Samar.
Naitala ang pagyanig sa 49 kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Dolores, kaninang alas 7:39 ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 5 kilometro.
Naitala ang intrumental intensity 2 sa Borongan City at intensity 1 sa Palo, Leyte.
Wala namang inaasahang pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.
Una nang niyanig ng magnitude 4.4 at 4.7 na lindol ang Dolores kaninang madaling araw.