National News
Domestic flights papasok at palabas ng Metro Manila, suspendido sanhi ng MECQ
Suspendido muli ang mga domestic flight papasok at palabas ng Metro Manila dahil sa muling pagpapatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Ito ang kinumpirma ni Philippine Airlines Spokesperson Cielo Villaluna sa panayam ng Sonshine Radio.
Ayon kay Villaluna, “Mula sa araw na ito, Agosto 4 hanggang Agosto 18, lahat ng ating mga domestic flights ay kanselado bilang tugon sa deklarasyon ng MECQ. Because under MECQ, ang rule is no domestic flights.“
Sa kabila nito, tuloy parin ang mga domestic flight sa Clark, Cebu at Davao City.
Bukod pa rito, tuloy pa rin ang mga international flight papuntang Metro Manila ngunit naayon sa panuntunan at ipatutupad na patakaran ng otoridad.
“However, ang mga international flights ay hindi kanselado. In fact, sa araw na ito, meron tayong sa Los Angles, Osaka, Narita at Riyadh at marami pang mga cargo flight”, saad pa ng opisyal.
Samantala, sinabi ng Philippine Airlines (PAL) na ang mga naapektuhang domestic passenger ay maaring mag-rebook, mag-refund at i-convert ang ticket sa isang travel voucher.
Humihingi naman nang pangunawa ang PAL sa mga pagbabagong sanhi nang ipapairal ng MECQ.