Connect with us

Domestic flights sa ilalim ng ECQ, limitado lamang sa essential travel

Mga pasahero ng PAL flight PR 2993 na biyaheng MNL-ZAM noong March 13, pinaghahanap

National News

Domestic flights sa ilalim ng ECQ, limitado lamang sa essential travel

Muling lilimitahan para sa essential travels ang domestic flights sa bansa sa mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ito ang inilabas na abiso ng Philippine Airlines (PAL) kasabay ng pag-anunsyo ng kanselasyon ng biyahe nito ngayong araw.

Matatandaan na nakatakdang isailalim sa ECQ ang Metro Manila simula sa Agosto 6 hanggang 20 kaya kanselado na ang PAL flights mula manila patungong Caticlan, Cebu, Davao, Cagayan De Oro City, Tagbilaran.

Pinayuhan naman ni PAL Spokesperson Cielo Villaluna ang mga pasaherong maaapektuhan na mag-rebook ng kanilang flight at i-convert ang kanilang ticket sa travel voucher o kaya ay ipa-refund.

Pinayuhan rin ang mga magbibiyahe na kailangang tama ang contact information na ibinibigay sa kanilang airlines at laging mag-aantaya sa anumang travel update.

More in National News

Latest News

To Top