Connect with us

DOT, pinag-aralan pa ang mga karagdagang ulat patugkol sa umano’y hotel quarantine breach

DOT, pinag-aralan pa ang mga karagdagang ulat patugkol sa umano’y hotel quarantine breach

National News

DOT, pinag-aralan pa ang mga karagdagang ulat patugkol sa umano’y hotel quarantine breach

Pinag-aaralan pa ng Department of Tourism (DOT) ang mga karagdagang ulat ng umano’y quarantine breach sa mga hotel bago pa ang insidente sa Makati City na naging super spreader event ayon kay DOT Secretary Brenadette Romulo-Puyat.

Sinabi ni Puyat na hindi pa natitignan ng awtoridad ang mga ulat na ito dahil sa hindi pa nila alam ang pangalan ng mga indibidwal na sangkot dito.

Ito ang inihayag ni Puyat matapos na tanungin kung isolated case ba ang naging insidente sa Makati City o madalas na itong nagaganap sa mga quarantine hotels.

Matatandaan na noong Dec. 23, 2021, isang returning overseas Filipino mula sa United States ang tumakas sa hotel quarantine upang dumalo sa isang parte at bumisita sa mga restaurant sa Poblacion, Makati at nagpositibo ito noong Dec 27 sa Omicron variant.

Maging ang mga kasama nitong dumalo sa nasabing pagtitipon at ilang patrons at staff ng restaurant ay nagpositibo rin sa virus.

Hinimok naman ni Puyat ang mga magsusumbong patungkol sa mga lalabag sa quarantine protocols na ibigay ang mga pangalan ng violators maging ang hotel upang maaksyunan nila ito.

More in National News

Latest News

To Top