Connect with us

DOTR MRT-3, naglagay na ng train marshall sa loob ng mga tren

train marshall MRT-3

National News

DOTR MRT-3, naglagay na ng train marshall sa loob ng mga tren

Naglagay na ng train marshall ang pamunuan ng MRT-3 sa loob ng mga tren para tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng mga pasahero.

Ayon sa MRT-3 management, may kabuuang 30 train marshalls ang nagbabantay araw-araw sa mga tren na bumabiyahe, mula sa una hanggang sa huling deployment ng revenue train.

Magkakaroon ng isang uniformed security personnel kada tren na babiyahe mula North Avenue Station hanggang Taft Avenue Station at pabalik.

Bukod sa pagpapanatili ng kaligtasan at seguridad sa loob ng tren, tungkulin din ng mga train marshall na bantayan at paalalahanan ang mga pasahero na sumunod sa mga alituntunin ng linya; pagsasala ng mga pasaherong maaaring sumakay sa priority area; at pagtulong sa mga pasaherong nangangailangan.

Tungkulin din ng mga ito na ipaalam sa mga pasahero kapag may aberya sa operasyon at sila rin ang magsisilbing first responder kapag nagkaroon ng emergency sa loob ng tren.

Maaari rin lumapit sa mga train marshall ang mga may katanungan at nangangailangan ng tulong sa loob ng tren.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top