Metro News
DOTR, nag bigay ng lbreng-sakay sa mga frontline health workers
Nagdeploy na rin ng mga bus ang Department of Transportation (DOTR) para libreng masakyan ng mga frontline health workers sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine sa Luzon para mapigilan ang pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Sa abiso ng DOTR, 7:00 kaninang umaga ay sampung bus ang inisyal na idineploy para serbisyuhan ang mga health worker sa 2 tinukoy na pick-up points, ang Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at ang BFCT East Metro Transport Terminal sa Marikina City.
Libreng ihahatid ang mga health workers sa kani-kanilang designated ospital sa mga tinukoy na ruta ng DOTR sa kanilang Facebook account.
Sinabi ng DOTR, nananatiling subject to change ang mga ruta depende sa datos at request na magmumula sa Department of Health (DOH).
Dagdag pa ng ahensya, susunod rin ang bus service sa containment control ng DOH gaya ng social distancing, body temperature check at regular na pag-disinfect ng sasakyan kada pagkatapos ng biyahe.