National News
DOTr, naglabas na ng guidelines sa public transportation sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ
Naglabas ng guidelines ang sa magiging sistema ng public transportation sa mga lugar na sasailalim sa general community quarantine (GCQ) ngayong araw.
Ayon kay DOTr Undersecretary Artemio Tuazon, Jr., maaari ng bumiyahe ang mga public transport sa mga lugar na nasa ilalim sa GCQ ngunit may kailangan ng special permit.
Hindi pa rin papayagan ang mga lumang style ng mga dyip dahil maaring magkadikit-dikit ang mga pasahero.
Kung mag-ooperate man ang mga bus at dyip, kailangan nasa kalahati lang ng seating capacity ang maaaring sumakay para ma-obserbahan ang physical distancing.
Papayagan ng bumiyahe sa GCQ ang mga taxi, pero kailangan dalawa lamang ang pasahero. Sa mga triycle, isa lamang dapat ang pasahero. Samantala, ang mga motorcycle taxis ay hindi pa pwedeng mamasada.
Kaugnay nito, kailangan laging naka-suot ng face mask ang driver at mga pasahero at kailangan ding magsagawa ng disinfection ang mga terminal para sa mga tsuper na nagbibyahe.