COVID-19 UPDATES
DOTr, planong magbigay ng fuel subsidy, loan sa mga PUV drivers
Ipinanukala ng Department of Transportation (DOTr) sa pamahalaan na magbigay ng karagdagang tulong sa mga tsuper ng public transportation sa gitna ng COVID-19 crisis sa bansa.
Ayon kay Presidential spokesperson Sec. Harry Roque, kabilang sa panukala ng DOTr ay ang pagbibigay ng arawang 30% fuel subsidy sa mga drayber.
Sinabi rin ng tagapagsalita ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na plano rin ng DOTr ang pagkakaloob ng loan sa mga PUV drivers.
Nais din anya ng DOTr na ipagpaliban muna ang pagpapabayad ng mga ito sa mga financing institution ng kanilang utang ng walang interes.
Sa ngayon, ayon kay Roque na kasalukuyan ng pinag-aaralan ng IATF ang naturang mga panukala ng DOTr.