Connect with us

DOTr, pumalag sa pagbansag sa NAIA bilang ‘worst airport’ sa mundo

DOTr, pumalag sa pagbansag sa NAIA bilang 'worst airport' sa mundo

National News

DOTr, pumalag sa pagbansag sa NAIA bilang ‘worst airport’ sa mundo

“I can spend more talking about this but in the interest of time, let me just stressed, please don’t believe that app. Don’t believe that app,” ani Sec. Tugade.

Ito ang pagdidiin ni Transportation Sec. Arthur Tugade sa isinagawang Duterte Legacy Summit ngayong araw, kasunod ng pagbansag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na “worst airport” sa buong mundo.

Taliwas umano sa ulat, ipinaliwanag ni Tugade na isang taon matapos maluklok si Pangulong Rodrigo Duterte ay kinilala ang NAIA bilang isa sa mga ‘most improved airport’ sa buong bansa dahil sa mga pagbabago ng nasabing paliparan.

Sa naunang statement ng DOTR, ang nasabing rating ay base sa pag-aaral ng Bounce Luggage Storage kung saan ikinompile nito ang reviews mula sa blog na businessclass.com at Skytrax.

“According to some news articles, the rating was based on a study by Bounce Luggage Storage, compiled by using reviews aggregated via the blog businessclass.com and Skytrax. Bounce Luggage Storage is a luggage storage business that operates in several airports in the United States (US) and Asia but has no operation whatsoever in the Philippines,” batay sa inilabas na pahayag ng DOTr.

Dagdag ng DOTr, ang Bounce Luggage Storage ay isang luggage storage business na nag-ooperate sa ilang airports sa Estados Unidos at Asya pero wala namang operasyon sa Pilipinas.

“An extensive search on the businessclass.com website showed no reviews nor ratings concerning the Ninoy Aquino International Airport (NAIA),” ayon pa sa naturang post.

Ang website naman na businessclass.com ayon sa kagawaran ay walang ipinapakitang reviews o ratings na may kaugnayan sa NAIA.

Kaya ayon kay Tugade huwag paniwalaan ang nasabing ulat dahil aniya wala itong basehan.

“Number one it is an app based on a study that has no fundamentals or paramerters and you dont know how the conclusion was made,” pagbibigay diin ni Tugade.

Kabaligtaran din ani Tugade sa katotohanan ang sinasabi ng ulat na mababa ang on-time performance ng NAIA na hindi lang man idinitalye kung ilang percentage ito.

“I advise and I inform you ladies and gentlemen, before 2016, the on-time performance of the NAIA International Airport was barely 40%. In 2019, the on-time performance according to Skytrax, very prominent and very reputable organization, was 83%. What then is the basis for this conclusion?” dagdag pa ng kalihim.

More in National News

Latest News

To Top