Connect with us

DOTR, sinuspinde ang operasyon ng lahat ng pampublikong sasakyan

DOTR, sinuspinde ang operasyon ng lahat ng pampublikong sasakyan

Metro News

DOTR, sinuspinde ang operasyon ng lahat ng pampublikong sasakyan

Sinsupinde ng Department of Transportation (DOTR) ang operasyon ng lahat ng mga pampublikong sasakyan kasunod ng umiiral na enhanced community quarantine at social distancing measures sa buong Luzon.

Kabilang sa sinuspinde ang operasyon ay ang Metro Rail Transit (MRT-3), Light Rail Transit (LRT 1 & 2) at Philippine National Railways (PNR).

Kasama rin sa suspensyon ang mga public utility buses, jeepneys, taxi, transport network vehicle service (tnvs), fx, uv express, point-to-point (P2P) buses at motorcycle taxis.

Ang implemetnasyon ng suspensyon ay simula kaninang 12:00 ng hatinggabi hanggang 12:00 ng hatinggabi ng Abril 13.

Binigyan naman ang mga dayuhan na ba-byahe palabas ng Pilipinas ng hanggang 72 oras matapos ipatupad ang enhance community quarantine.

Habang ang mga inbound flights ay papayagan lamang para sa mga repatriating na mga Pinoy.

More in Metro News

Latest News

To Top