National News
‘Drastic action’ gagawin ng Pangulo kapag hindi natugunan ang isyu ng water crisis
Posibleng gumawa ng ‘drastic action’ si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga ahensiya ng gobyerno at water concessionaires kapag napatunayan na wala itong sapat na ginawa para maiwasan ang krisis sa suplay ng tubig.
Kumbinsido si Presidential Spokesperson Salvador Panelo na isa sa tinitingnang factor ni Pangulong Rodrigo Duterte ay kapag napatunayan nitong walang ginawang sapat na hakbang ang MWSS at mga water concessionaires para maresolba ang water crisis sa Metro Manila.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, posibleng gagawa ng ‘drastic move’ ang Pangulong Duterte.
Nagbabala din ang tagapagsalita ng Palasyo na posibleng tanggalin ang kontrata ng mga water concessionaires at papanagutin dahil sa kawalan ng aksyon nito para maresolba ang problema sa kakulangan sa tubig.
Una nang sinabi ni Secretary to the Cabinet Karlo Nograles na ikinagalit ni Pangulong Duterte ang panibagong pagrarasyon ng suplay ng tubig sa mga residente ng Metro Manila.
Nanawagan naman sina Senador Bong Go, Francis Tolentino at Imee Marcos na dapat mapanagot ang mga water concessionnaire.
Magugunitang inatasan ni Pangulong Duterte ang panibagong pamunuan ng MWSS na rebyuhin ang kasunduan ng gobyerno sa dalawang water concessionaries, silipin ang anumang paglabag ng mga ito at papanagutin sa kanilang pananagutan.
Ulat ni Hannah Jane Sancho
