Connect with us

Driver ng SUV na bumangga sa isang security guard sa Mandaluyong, ‘wag pagbantaan – PNP  

Kaso ng SUV driver na nanagasa ng security guard sa Mandaluyong City, ibinaba sa frustrated homicide ng piskalya

National News

Driver ng SUV na bumangga sa isang security guard sa Mandaluyong, ‘wag pagbantaan – PNP  

Nanawagan ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na huwag pagbantaan sa social media ang driver ng SUV na bumangga sa isang security guard sa Mandaluyong.

Ayon kay PNP Director for Operations Police Major General Valeriano de Leon, hindi dapat mamayani ang galit dahil wala itong magandang maidudulot.

Kasabay nito, pinasalamatan ni De Leon ang nag-upload ng video ng insidente dahil malaki ang maitutulong nito sa kaso.

Natukoy na aniya ng pulisya at Land Transportation Office (LTO) ang driver ng SUV gamit ang kuha ng dashcam.

Patuloy naman na nagpapagaling ang security guard na si Christian Joseph Floralde.

More in National News

Latest News

To Top