Connect with us

Driver’s license ng retiradong pulis na nanakit at nagkasa ng baril sa isang siklista sa QC, sinuspinde na ng LTO

Driver’s license ng retiradong pulis na nanakit at nagkasa ng baril sa isang siklista sa QC, sinuspinde na ng LTO

National News

Driver’s license ng retiradong pulis na nanakit at nagkasa ng baril sa isang siklista sa QC, sinuspinde na ng LTO

Pinatawan ng Land Transportation Office (LTO) ng 90-araw na suspensyon ang driver’s license ng retiradong pulis na nanakit at nagkasa ng baril sa nakaalitan nitong siklista sa Welcome Rotonda, Quezon City.

Ayon kay LTO Chief Asec. Vigor Mendoza II, epektibo na ang nasabing suspensiyon na ipinataw kay Wilfredo Gonzales.

Ito ay habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng LTO sa posibilidad ng permanenteng pagbawi ng lisensya nito.

Sinabi pa ng LTO chief, malinaw ang hindi magandang asal ni Gonzales sa naturang viral video.

Aniya, ang desisyon na ito ng ahensya ipinaalam na rin kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista.

Nauna na ring kinumpirma ni Mendoza na pagmamay-ari ni Wilfredo Gonzales ang sinakyan nitong pulang sedan na nakita sa video.

More in National News

Latest News

To Top