Connect with us

DRU ng PA, ipinadala sa mga lugar na apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon

DRU ng PA, ipinadala sa mga lugar na apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon

National News

DRU ng PA, ipinadala sa mga lugar na apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon

Ipinadala ng Philippine Army 3rd Infantry Division ang kanilang Disaster Response Task Units sa Negros Island upang tumulong sa mga apektado ng pag-aalburoto ng Kanlaon Volcano.

Ipinakalat rin sa mga karatig lugar na apektado ng bulkan ang kanilang essential assets mula sa ibat-ibang Infantry Batallions tulad ng 62IB, 78IB at 94IB, 542nd  542nd Engineer Constraction Batallion kasama ang ilang reserve units mula sa 605th Community Defense Center.

Ang nasabing unit ay magiging bahagi ng Search, Rescue and Retrieval Cluster ng Negros Occidental Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC)  na may tungkulin na tumulong sa mga komunidad na apektado ng pagputok ng Kanlaon.

At upang maisagawa ang nagkakaisa at epektibong pagtugon sa pangyayari patuloy ang ugnayan ng militar sa mga lokal na unit ng pamahalaan at mga ahensya na tumutugon sa mga sakuna.

Tiniyak din ng pamunuan ng PA ang kanilang dedikasyon at kahandaan na magsagawa ng HADR para sa mga apektadong komunidad.

More in National News

Latest News

To Top