Connect with us

‘Drug issue’ kasama si Maricel Soriano, tinawanan lang ni PBBM

'Drug issue' kasama si Maricel Soriano, tinawanan lang ni PBBM

National News

‘Drug issue’ kasama si Maricel Soriano, tinawanan lang ni PBBM

Tinawanan lang ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang alegasyon na kinasasangkutan nito kaugnay sa iligal na droga.

Nangyari ito nang tanungin ang pangulo sa isang ambush interview hinggil sa imbestigasyon na isinagawa ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs sa sinasabing leaked document ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ang tinutukoy na PDEA leaks ay isang pre-operation report kung saan makikita dito na naging target ng isang 2012 anti-drug operation ang nooy senador at ngayoy Pangulong Marcos.

Kasama pa umano dito ni PBBM ang aktres na si Maricel Soriano ayon sa patotoo ng dating PDEA agent na si Jonathan Morales na siyang pumirma ng pre-operation report.

Subalit para sa kasalukuyang nasa PDEA, sinabi nito na wala sa kanilang database ang kumakalat sa social media na leaked document.

More in National News

Latest News

To Top