Connect with us

Drug test, hindi requirement sa BSKE – Sec. Abalos

Drug test, hindi requirement sa BSKE– Sec. Abalos

National News

Drug test, hindi requirement sa BSKE – Sec. Abalos

Nilinaw ni Interior Secretary Benhur Abalos na hindi requirement para sa BSKE ang drug testing.

Ginawa ni Abalos ang paglilinaw matapos itong manawagan noong buwan ng Marso sa mga kakandidato sa 2023 BSKE na sumalang sa drug test.

Sa panayam ng DZAR1026 Sonshine Radio kay Abalos sa isang event sa Maynila, sinabi ng kalihim na hindi nire-require ng batas na magpa-drug test ang local aspirants.

“Ganito, hindi requirement ang drug test. Definitely hindi requirement,” ani Abalos.

Pero may malaking hatak sa tunay na public service kung sasalang sa drug testing ang mga tatakbo sa eleksyon.

Lalo na sa laki ng problema ng bansa sa iligal na droga at problema ng bawat barangay sa Pilipinas.

Hamon naman ni Abalos sa mga tatakbo sa halalang pambarangay na “ipakita ninyo sa tao na hindi kayo gumagagamit,”

More in National News

Latest News

To Top