National News
DSWD, naipamahagi na ang mahigit ₱85.3-B na SAP
Naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nasa ₱85.3 billion na Social Amelioration Program sa 14.3 million na mga pamilyang benepisyaryo.
Ito ang inihayag ni DSWD Dir. Irene Dumlao, “nasa mahigit ₱85.3-B na po ‘yong naipamahagi ng DSWD sa pamamagitan ng manual at digital pay outs sa mahigit 14.3 million na mga pamilyang benepisyaryo ng sap.”
Ani Dumlao, kabilang sa mga nabigyan na ng SAP ang mahigit 1.3-M beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), mahigit 6-M na low-income at non-4 P’s families.
Nabigyan na rin ng SAP ang 3.3 million waitlisted families na may mababang income ngunit hindi benepisyaryo ng SAP at mahigit 1.8 million na pamilya na napaisailalim noon sa Enhanced Community Quarantine.
Dagdag pa ni Dumlao, nakatanggap din ng SAP ang mahigit 200-K na mga pamilya ng mga TNVs at PUV drivers at ang mahigit 200-K na mga benepisyaryo ng tulong pangkabuhayan sa mga nawalan ng trabaho sa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Nakatanggap na rin ng financial subsidy ang mga rice farmers sa ilalim ng Department of Agriculture (DA).
